Matagumpay na naitawid mula Israel patungong Jordan ang unang batch ng mga Pilipinong naipit sa Israel.
Bilang paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mga Pilipinong lilikas bunsod ng tensyon sa pagitan ng Israel at Iran, nagsagawa na rin ng ocular inspections ang embahada sa mga border area.
Samantala, 67 Pilipino ang nawalan ng tirahan sa Israel habang pito ang sugatan, kabilang ang isang nasa kritikal na kondisyon.
Patuloy din ang paghahanda ng pamahalaan para sa 26 Pilipinong iuuwi sa Pilipinas.
Ang bawat OFW na pauuwiin ay makatatanggap ng ₱150,000 na pinansyal na tulong mula sa Department of Migrant Workers at Overseas Workers Welfare Administration.
Para sa mga Pilipino sa West Bank na nangangailangan ng tulong, maaaring makipag-ugnayan sa Assistance-to-Nationals hotlines ng embahada sa Amman.