Lumang tugtugin o taktika na ang pagpapakalat ng maling impormasyon para magkahati-hati ang bansa.
’Yan ang binigyang-diin ng patriotic at civic org leader na si Dr. Jose Antonio Goitia kaugnay ng umano’y kudeta laban sa administrasyon.
Ani Goitia, malinaw ang binitawang pahayag ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na walang usapin ng pagtalikod nila ng suporta sa pamahalaan.
Una nang iginiit ng AFP na tapat silang naglilingkod sa Saligang Batas at sa taumbayan.
ADVERTISEMENT
Wala rin anila silang pinapanigang mga personalidad sa politika.
Ang tunay, ani Goitia, na kalaban ng taumbayan ay ang malawakang korapsyon sa bansa na isa-isa nang nabubunyag gaya ng ghost flood control projects.



