Matagumpay na naisagawa ng Ukrainian Security Service ang malawakang drone strikes sa ilang air base sa loob ng Russia.
Ilang combat planes ang nawasak sa operasyon ng Ukraine na tinawag nilang “Spiderweb.”
Itinuturing ang pag-atakeng ito bilang pinakaambisyosong sabayang opensiba ng Ukraine sa mga base militar ng Russia mula nang magsimula ang digmaan.
Dahil dito, lalong tumindi ang tensyon sa pagitan ng dalawang bansa.



