Tinawag ni U.S. President Donald Trump na isang ‘tagumpay para sa lahat’ ang ceasefire o tigil-putukan sa pagitan ng Israel at iran matapos ang pagbomba ng Amerika sa mga nuclear sites ng Iran.
Sa NATO summit sa the hague iginiit ni Trump na nagresulta ang mga ‘bunker-buster’ strikes sa pagwawakas ng labanan.
Tiwala siyang di na tatakangkain ng tehran na muling itayo ang nuclear program nito.
Dagdag pa ni Trump, sakali namang buuin muli ng iran ang kanilang opensiba hindi umano ito hahayaan ng Amerika.
Sa kabilang banda nakahinga ng ginhawa ang maraming mga residente sa Iran at Israel sa pagtigil-putukan pero may takot pa rin ang marami sa posibleng mga susunod na hakbang.