U.S. gov’t shutdown, nakaapekto sa libo-libong trabaho at programa

📅

Nag-shutdown ang pamahalaan ng Estados Unidos matapos mabigo ang kongreso at White House na magkasundo hinggil sa budget.

Umabot sa $1.7 million ang pinagtatalunang pondo iginigiit ng mga democrats na isama ang extension ng health benefits para sa milyun-milyong residente habang tutol ang republicans na gawing rider ito sa spending bill.

Ito na ang 15 shutdown sa gobyerno ng Amerika mula 1981.

Babala ng mga eksperto, maaring mas humaba ang shutdown na ito kumpara sa record 35-day closure noong unang termino ni Trump.

ADVERTISEMENT

Tinatayang aabot sa halos 750,000 na federal workers ang mapipilitang hindi pumasok na magkakahalaga ng $400 milyong bawat araw.

Inaasahang maaantala ang employment report, bibigat ang air travel, titigil ang ilang scientific research, at sweldo ng kasundaluhan.