Typhoon Kalmaegi, tumama na sa Vietnam matapos manalasa sa Pilipinas | News Light

📅 November 7, 2025 3:33 PM PHT  |  ✏️ Updated November 7, 2025 3:34 PM PHT

Matapos manalasa sa Pilipinas, nag-landfall na ang Typhoon Kalmaegi sa Vietnam kahapon, November 6.

Tumama ang bagyo sa gitnang Vietnam taglay ang sustained winds na umaabot sa 149 kilometers per hour (kph).

Libu-libong residente ang kinailangang lumikas upang maiwasan ang hagupit ng bagyong kumitil sa 188 katao sa Pilipinas.

ADVERTISEMENT

Ayon sa pamahalaan ng Vietnam, tumama ang Typhoon Kalmaegi sa lalawigan ng Dak Lak at Gia Lai at nagdala ng malakas na hangin at pag-ulan.

Nag-landfall ang bagyo mahigit isang linggo lamang matapos ang malawakang pagbaha sa Vietnam na kumitil sa 47 katao at nagpalubog sa mga kabahayan at makasaysayang lugar sa bansa.