Matapos manalasa sa malaking bahagi ng Luzon noong weekend, humagupit naman sa Taiwan ang Bagyong Uwan o may international name na Fung-Wong.
Dahil sa pag-ulan na dala ng tropical storm, nagkaroon ng mga pagbaha gaya sa Yilan County at umapaw ang ilang creek gaya ng Matai’an Creek sa Hualien County.
Sa huling tala ng Central Emergency Operation Center ng Taiwan, 51 katao ang nasugatan, samantala mahigit 8,000 na residente ang inilikas.
Wala namang napaulat na nasawi sa Taiwan.



