Tuloy-tuloy na pamamahagi ng ayuda ng DSWD, siniguro ng Dep’t of Budget and Management at DSWD

๐Ÿ“…  |  โœ๏ธ Updated
๐Ÿ‘ค BALITANG A2Z  |  ๐Ÿ“‚ Balitang A2Z, Latest News

Siniguro ng Department of Social Welfare and Development o DSWD ang tuloy tuloy na pamamahagi ng ayuda para sa kapos sa kita o AKAP sa kabila ng kawalan ng proposed budget para sa naturang programa sa taong 2026.

Binigyang diin ni Budget chief Amenah Pangandaman na mayroon pa namang pondong magagamit ang DSWD sa susunod na taon. Bagay na agad na sinegundahan ni Welfare chief Rex Gatchalian at sinabing may P11 billion na budget pa ang kagawaran.

Dagdag pa ng kalihim, may AICS o Assistance to Individuals in Crisis Situations rin pinamamahagi sa pamamagitan g-cash transfers para sa mga biktima ng kalamidad. Nabalot ng kontrobersiya ang AKAP matapos sabihin ng ilang mga mambabatas na bagong pork barrel ng mga opisyal ng Gobyerno ang naturang programa.

P220 billion ang nakalaang pondo para sa DSWD para sa taong 2026.