Kakaibang traffic violation ang naitala ngayong araw sa Pasay City matapos tiketan ng Department of Transportation-Special Action and Intelligence Committee for Transportation o DOTR-SAIC ang isang jeepeney driver dahil sa kakaibang nakaharang sa windshield ng minamanehong jeep.
Ang salarin ay ang alagang manok na nakapatong lang sa hood ng sasakyan na ayon sa tsuper ay pampaswerte nya sa pasada.
Pero ayon sa awtoirdad sagabal ito at posibleng maging sanhi pa ng aksidente. Bukod dito, may violation din ang tsuper dahil sa sirang brake lights at manipis na gulong.
Patuloy naman ang inspeksyon sa kalsada ng SAIC para tiyakang road worthy o karapat dapat ang mga sasakyan sa kalye para iwas aksidente.



