Trump, papalitan ang pangalan ng Department of Defense ng “Department of War”

📅

May bago na namang naisip ang pangulo ng Amerika.

Pumayag na si U.S. President Donald Trump na mag-rebrand at simulang gamitin ang pangalan na “Department of War” bilang secondary title ng kanilang Department of Defense.

Sa bisa ng Executive Order na inilabas ng White House, inootorisa ang pentagon at kanyang mga opisyal na gamitin din ang titulong “Secretary of War” at “Deputy Secretary of War” sa official correspondence, public communication at contextual ceremony.

Layon nitong palakasin ang impresyon at imahe bilang mga umano’y mandigirma at kahandaan umano sa anumang giyera.

ADVERTISEMENT

Bagamat hindi pa legal na permanente ang pagpapalit-tawag sasanayin na ang lahat na gamitin ang mga titulong ito.