Nilagdaan ni US President Donald Trump nitong ang isang proklamasyon na nagtatakda ng bagong taunang bayad na $100,000 para sa mga aplikasyon ng non-immigrant work visa o H-1B visa bilang bahagi ng mas mahigpit na polisiya sa imigrasyon.
Ayon kay Commerce Secretary Howard Lutnick, layunin ng panibagong singil na hikayatin ang mga kumpanya na kumuha ng mas maraming manggagawang Amerikano imbes na umasa sa mga dayuhang aplikante.
Sa kasalukuyan, mahigit 70% ng mga benepisyaryo ng H-1B ngayong 2025 ay mula sa India.
Sa ngayon, hindi pa tiyak kung kailan at paano ipatutupad ang bagong bayarin, lalo’t karaniwan ang Kongreso ang nagtatakda ng ganitong uri ng mga singil matapos ang mahabang proseso ng deliberasyon.



