Inanunsyo ng administrasyon ni United States President Donald Trump na magbibigay ito ng $1,000 at libreng pamasahe para sa mga hindi dokumentadong migrante na boluntaryong magbabalik sa kanilang bansa.
Sinabi rin ni Trump na ang mga migrante na gagamit ng self-deportation scheme ay magkakaroon ng pagkakataong makabalik sa Estados Unidos nang legal sa hinaharap.
Ayon sa Department of Homeland Security ng Amerika, inaasahan nilang bababa ang gastusin sa deportasyon ng 70% gamit ang programang ito, na kasalukuyang nagkakahalaga ng $17,121 para sa bawat deportasyon.