Truck na may kargang mangga mula Davao, bumulusok sa ilog sa Quezon; Driver, patay

📅
👤 rasibag  |  📂 DZJV Radyo CALABARZON

Isang truck na may kargang kahun-kahon ng mangga mula Davao ang bumangga sa poste ng kuryente bago bumulusok sa ilog sa Barangay Silangang Malicboy, Pagbilao, Quezon, pasado alas-12:30 ng tanghali nitong Sabado, October 4, 2025.

Ayon sa Pagbilao Municipal Police Station, galing Davao at patungong Metro Manila ang 10-wheeler wing van upang mag-deliver ng mangga nang mawalan umano ito ng preno habang binabagtas ang Quezon Zigzag New Diversion Road.

Sa lakas ng impact, tumama muna ang truck sa poste bago sumalpok sa pader ng ilog, dahilan upang maipit ang driver at pahinante.

Agad na nasawi ang driver, habang kritikal naman ang kalagayan ng kanyang kasama na isinugod sa ospital sa Lucena City.

ADVERTISEMENT

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa sanhi ng aksidente.