Naghain ng petisyon ang kampo ni Senador Bato dela Rosa sa Supreme Court para hilingin ang paglalabas ng temporary restraining order (TRO).
Ayon kay Atty. Israelito Torreon, ito’y para pigilan ang pakikipagtulungan ng gobyerno sa International Criminal Court (ICC) sa gitna ng umano’y warrant of arrest laban sa senador.
Nag-ugat ito sa pagiging kasangkapan umano ng senador sa crimes against humanity dahil sa mga buhay na nawala bunsod ng umano’y ipinatupad na war on drugs sa panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Nagsilbing hepe ng pambansang pulisya noon si Dela Rosa.



