Kasado na sa September 21 ang malawakang kilos-protesta para kondenahin ang maanomalyang flood control projects sa bansa at paggasta sa kaban ng bayan.
Panawagan nila, ikulong ang mga mapapatunayang sangkot na kontratista, opisyal, at politiko.
Hindi naman kuntento sa binuong Independent Commission for Infrastructure ang mga progresibong grupo.



