
Naging mapayapa sa pangkalahatan ang idinaos na Trillion Peso March 2.0 nitong linggo.
‘Yan ay ayon kay PNP Acting Chief Jose Melencio Nartatez Jr. at Interior Secretary Jonvic Remulla makaraang personal na minonitor ang ilang rally sites sa Maynila gayundin sa command center sa PNP.
Binigyang diin naman nila na dapat ay sumunod din ang mga raliyista sa umiiral na patakaran sa isang mapayapang pagkilos.
ADVERTISEMENT
May ilan umano kasi sa Maynila na hindi sumunod sa balaclava ordinance.
Gayunman, sobra-sobra anila ang paghahanda ng puwersa ng gobyerno para di maulit ang marahas na pagkilos noong September 21.




