Transport strike laban korapsyon, isasagawa ng ilang grupo ngayong linggo | News Light

📅

Dahil anila sa pangungurakot ng perang pinagpaguran ng mga tsuper, magkakasa ng transport strike ang grupong Piston at Manibela ngayong linggo.

Magaganap sa September 18 ang transport strike ng Piston samantalang tatlong araw na tigil-pasada mula September 17 hanggang 19 ang isasagawa ng grupong Manibela.

Parehong kinondena ng mga grupo ang excise tax ng langis na anila’y napupunta lamang sa bulsa ng mga politiko at kontratista.

Maliban sa transport strike, inanyayahan rin ng mga grupo ang publiko na sumama sa malawakang protesta sa Luneta sa September 21.

ADVERTISEMENT

Naniniwala naman ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB na hindi makakaapekto ang transport strike sa daloy ng trapiko ngunit iginiit pa rin ng ahensya na handa ito sa posibleng epekto nito.

Inabisuhan ng LTFRB chair Teofilo Guadiz III ang mga komyuter na maging kalmado lamang at mayroong alternatibong ruta at karagdagang sasakyan sa araw ng transport strike.