Kinukwestiyon ngayon ng ilang mga transport group ang pagpapatuloy ng implementasyon ng No Contact Apprehension (NCAP) matapos suspendihin ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. ang EDSA rehabilitation at ng MMDA ang odd-even scheme para sa mga sasakyan.
Nagsagawa ng protesta mula UP Diliman hanggang MMDA main office ang iba’t ibang grupo dahil sa kawalan umano ng due process at sobrang pagmumulta ng mga otoridad.
Inanunsyo rin ng National Public Transport Coalition na muli silang haharap sa Korte Suprema para humiling ng bagong Temporary Restraining Order laban sa NCAP.
Hinihiling din ng mga grupo na magdaos ng transport summit ang gobyerno para sa isang malawakang dialogo hinggil sa sitwasyon sa industriya.
ADVERTISEMENT
Matatandaang ginagamit ng ilang LGUs at MMDA ang NCAP para pagmultahin ang mga lumalabag sa trapiko gamit ang CCTV.
Maraming motorista ang nagsasabing hindi sila naabisuhan o nabibigyan ng pagkakataon na magpaliwanag man lang sa naturang sistema.



