Transport Chief Lopez, hindi maganda ang naging karanasan sa rush hour commute sa Commonwealth ngayong Martes

📅  |  ✏️ Updated

Kinumpirma ni transport chief Giovanni Lopez na hindi maganda ang naging karanasan niya sa pagsakay ng pambulikong transportasyo sa kasagsagan ng rush hour sa Commonwealth Avenue, Quezon city.

Kasunod  ‘yan ng direktiba ng kalihim sa mga opisyal ng Department of Transportation na mag-commute isang beses sa isang linggo upang kanilang personal na maunawaan ang kalbaryo ng mga komyuter.

Giit ni lopez,  nahirapan siya at napagod sa byahe na parang bang sumabak siya sa digmaan.

Una nang sinuportahan ng Palasyo ang hakbang kung saan binigyang diin ni Palace Undersecretary Claire Castro,  na reasonable ang pagko-commute ng transport officials hangga’t hindi nalalabag ang kanilang karapatang pantao.