Iginiit ni acting Transportation chief Giovanni Lopez na nasa kapangyarihan ng pangulo ang pagpapalit at pagtalaga ng mga opisyal sa Department of Transportation.
Aniya, lahat ng mga opisyal ay appointed ng pangulo kaya ginagampanan nila ang trabahong ibinigay sa kanila.
Matatandaang itinalaga ng Malacañang si Markus Lacanilao bilang bagong chairman ng LTO habang si Atty. Vigor Mendoza bilang LTFRB chair.
Si Teofilo Guadiz III naman bilang hepe ng Office of Transport cooperatives.
ADVERTISEMENT
Pinuri naman ni Lopez ang mga bagong opisyal na aniya’y propesyunal at may matibay na karanasan sa transport sector.



