Inanunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang paglulunsad ng transparency portal para sa mga proyekto ng gobyerno sa gitna ng nagpapatuloy na imbestigasyon sa isyu ng korapsyon sa mga flood control projects.
Isa itong online system na magpapakita ng impormasyon ng kontratista, lokasyon, budget, at status ng bawat project.
Ayon sa pangulo, hindi na kailangan ng opisyal na request dahil kahit sino, puweding maghanap ng impormasyon sa proyekto sa kanilang lugar.
ADVERTISEMENT
Dagdag pa ni Marcos, full disclosure ito, kabilang ang geo-tagged photos, dahil karapatan malaman ng taumbayan kung paano ginagastos ang pera ng bayan.
Kasunod ang portal ng naunang “Sumbong sa Pangulo” website na nagbunyag ng mga umano’y ghost at substandard flood control projects ng DPWH.




