Sinimulan na ng International Criminal Court ang pag-transmit ng mga aplikasyon ng mga biktima na nagnanais sumali sa pre-trial proceedings laban kay dating Pang. Rodrigo Duterte.
Base sa dokumento na may petsang August 27, 2025 nasa 25 applications ang isinumite sa pre-trial chamber na nahati sa dalawang grupong A at B.
Tinututukan ito ng ICC registry para siguraduhin ang partisipasyon ng mga biktima ito’y kahit na naka-classify ang mga ito bilang confidential para sa kanilang seguridad.
Kaso ito ng crimes against humanity matapos ang madugong war on drugs kung saan tinatayang nasa labindalawa hanggang tatlumpung sibilyan ang napatay sa ilalim ng Duterte administration.



