Training at trabaho sa ICT, nakahanda para sa mga OFW na babalik ng Pilipinas | News Light

📅  |  ✏️ Updated

Training at trabaho sa information and communications technology (ICT) sector.

Iyan ang planong ibigay ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa mga overseas Filipino workers na babalik sa Pilipinas.

Ayon kay DICT Secretary Henry Aguda, magbibigay sila ng pagsasanay sa cybersecurity, computer programming, maging sa social media management.

Dagdag niya, bibigyan pa ang mga kalahok ng compensation habang nagsasanay.

ADVERTISEMENT

Sa ilalim ng Republic Act No. 11641, inatasan ang Department of Migrant Workers at OWWA na gumawa ng reintegration program para makatulong sa kabuhayan ng mga OFW na umuuwi na sa Pilipinas.