Kinilig, naiyak at excited na ba ang lahat matapos ipasilip ng universal pictures ang inaabangang trailer ng ‘Wicked for good’ na pinagbibidahan nina Ariana Grande at Cynthia Erivo.
Kaya naman ang tanong ngayon are you team pink or team green? este, team Glinda o team Elphaba?
Tampok sa trailer ang buhay nina Elphaba bilang wicked witch of the west at glinda na tinaguriang ‘good witch’.
Sa istorya ng pelikula, malalaman kung bakit nga ba nagkaroon ng ‘wicked’ at ‘good’ witch.
Patuloy na susubukan ni Elphaba, karakter ni Erivo na ilantad ang mga kasinungalingan ng Wizard of Oz habang si Glinda naman na karakter ni ariana blooming in her bubble at magic wand na.
ADVERTISEMENT
Mapapanood din dito ang hindi matatawarang pagkakaibigan ng dalawang karakter sa kabila ng pagkakaiba.
Bida rin sa pelikula ang mga awiting magpapaindak at tiyak na magpapaiyak muli sa mga manonood.
Showing na sinehan sa bansa ang wicked: for good sa November 19 isang taon matapos tumabo sa takilya ang unang storya nitong ‘Wicked’.



