
Isang empleyado ng Calatagan Tourism Office ang nasawi matapos malunod habang tumutulong sa isang lifeguard na magsagip ng isang swimmer sa local beach resort.
Ayon sa Philippine Coast Guard Sub-Station Calatagan, agad nilang isinagawa ang search and rescue at CPR sa biktima bago ito dinala sa ospital, ngunit idineklarang dead on arrival.
ADVERTISEMENT
Nailigtas naman ang swimmer na unang nalunod.
Samantala, binigyang-diin ng PCG ang kahalagahan ng water safety, mabilis na pag-uulat ng insidente, at masusing pagbabantay ng lifeguards at resort personnel, lalo na sa panahon ng mataas na bilang ng turista.




