Top pole vaulters, magsasama-sama sa Pilipinas sa world-class tournament sa Setyembre | News Light

📅

Magaganap sa Ayala Triangle Gardens sa Makati ang isang world-class pole vault tournament mula Setyembre 20 hanggang 21, na lalahukan ng ilan sa pinakamahusay na pole vaulters sa buong mundo.

Tampok sa nasabing paligsahan ang pambato ng Pilipinas na si EJ Obiena, na labis ang kasiyahan sa muling pagdadala ng ganitong klase ng kompetisyon sa bansa.

Layunin ng paligsahan na ipakita ang talento ng mga atleta sa pole vault at bigyang-inspirasyon ang mga Pilipino sa larangang ito ng sports.