Toni Gonzaga at Direk Paul Soriano, muling ikinasal kasabay ng kanilang 10th wedding anniversary

📅 June 16, 2025 01:39 PM PHT  |  ✏️ Updated June 16, 2025 01:39 PM PHT
👤 BALITANG A2Z  |  📂 Balitang A2Z, Entertainment, Latest News, Showbiz

Kasabay nga ng pagdiriwang ng Independence day nitong Huwebes, June 12 ay muling ikinasal ang power couple na sina Toni Gonzaga at Direk Paul Soriano bilang bahagi ng kanilang 10th wedding anniversary.

Sa instagram post ni Toni makikita ang ilang photo snaps sa naganap na renewal of vows.

Kasama rin ni Toni sa paglalakad sa aisle, ang very cute na little bride na si Polly na kanyang bunsong anak.

Sa isa pang post, makikita naman ang kanilang happy at kumpletong pamilya.

Matatandaang 2015, nang ikinasal ang dalawa sa Taytay, Rizal at biniyayaan ng supling na sina Seve at Polly.

Congratulations and happy anniversary, Paul and Toni.