Ipinatigil ng Department of Transportation ang singil ng toll sa Northbound ng NLEX Marilao matapos masira ulit ang tulay sa isang truck incident na nagresulta sa kamatayan at matinding trapiko.
Naulit ang insidente nitong Miyerkules, June 18 kung saan tumama ang isang overheight na container truck sa beam ng tulay at bumagsak ito sa isang AUV.
Nasawi ang isang 54 anyos na lalaki habang anim ang nasugatan, kabilang ang isang sanggol.
Ayon sa DOTR, hindi dapat maningil ang NLEX Corporation hangga’t hindi naaayos ang lahat ng apat na lane sa Marilao interchange.
ADVERTISEMENT
Aminado ang NLEX Corporation sa pangyayari at nakiisa sa imbestigasyon ng mga otoridad.



