‘Toll free’, ipatutupad sa MPTC expressways tulad ng NLEX sa bisperas ng Pasko at Bagong Taon | News Light

📅
👤 Newslight  |  📂 News Light, Latest News

Nag-anunsyo ng free toll access ang Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC) sa Luzon expressways sa bisperas ng Pasko at Bagong Taon.

Waived ang toll sa NLEX, SCTEX, NLEX Connector, CAVITEX, at CALAX mula December 24, alas-10 ng gabi hanggang araw ng Pasko, December 25, alas-6 ng umaga.

Pati sa bisperas ng Bagong Taon, December 31, alas-10 ng gabi hanggang January 1, alas-6 ng umaga.

Bukod sa full manpower deployment na aabot sa 1,500 personnel, libre rin ang towing services, barrier-up operations, at magkakaroon din ng counterflow measures.

ADVERTISEMENT

Samantala, libre na rin sa bisperas ng Pasko at Bagong Taon ang mga San Miguel Corporation (SMC)-operated expressways tulad ng STAR Tollway, Skyway, NAIA Expressway, South Luzon Expressway (SLEX), at Tarlac–Pangasinan–La Union Expressway (TPLEX) simula December 24, alas-10 ng gabi hanggang araw ng Pasko, December 25, alas-6 ng umaga, pati na rin sa bisperas ng Bagong Taon, December 31, alas-10 ng gabi hanggang January 1, alas-6 ng umaga. (Austin Gonzaga/News Light)