Sugatan ang isang Transportation Network Vehicle Service (TNVS) driver matapos siyang saksakin ng dalawang lalaking nagpanggap na pasahero.
Ayon sa imbestigasyon, nangyari ang insidente matapos mag-book ang dalawang lalaki sa 29-anyos na driver na naghatid sa kanila mula Taytay, Rizal patungong Pampanga noong Miyerkules ng gabi.
Isinagawa ng mga suspek ang krimen pagdating nila sa Macabebe, Pampanga.
Bukod sa pananaksak, hinampas din umano ng baril ang driver.
ADVERTISEMENT
Nakatakas lamang ang biktima matapos niyang ibangga ang minamanehong sasakyan sa isang lugar na may maraming tao.
Kasalukuyang nasa ospital ang biktima habang agad namang nahuli ang mga suspek.



