Tiongson at Vosotros, nagkagirian sa Game 4 ng PBA Finals | News Light

📅  |  ✏️ Updated

Sandaling nagbalik ang dating banggaan nina Juami Tiongson at Almond Vosotros sa Game 4 ng PBA Season 49 Philippine Cup Finals nitong Linggo.

Nagkapikunan ang dalawang dating UAAP rivals sa kalagitnaan ng first quarter, dahilan para pareho silang matawagan ng technical foul.

Ayon kay Tiongson, dala lang ito ng init ng laro at walang personalan, lalo’t magkaibigan naman sila ni Vosotros.

Sa kabila ng insidente, nakumpleto ni Tiongson ang laban na may walong puntos sa panalo ng San Miguel kontra TNT, 105-91.