Tinaguriang ‘fishball warrior’ at iba pa na nagprotesta noong Sept. 21, nakalaya na

📅

Nakalaya na ang tinaguriang fishball warriors na si Alvin Karingal kasama ang iba pang nagprotesta kontra korapsyon noong September 21 sa Mendiola, Maynila.

Ito’y matapos mag-viral ang video ni Karingal noong protesta kasabay ng kanyang panawagan na ibababa ang presyo ng street food kabilang ang fishball at kikiam.

Samantala, ibinasura na ang mga kasong isinampa laban kay karingal.

Naghain ng libel at harassment case ang nagbitiw na staff ni Sen. Robin Padilla na si Nadia Montenegro matapos siyang maiugnay sa umano’y paggamit ng Marijuana sa loob ng senado.

ADVERTISEMENT

Ayon sa kanyang abogado, vape lamang at hindi marijuana ang nakita base sa official incident report.

Tinawag ng kampo ni Montenegro na “fake news” ang mga balita na sumira sa kanyang reputasyon.