The Netherlands at Poland, magtatapat sa FIVB Men’s Worlds | News Light

📅  |  ✏️ Updated

Malaking laban ang kahaharapin ng The Netherlands kontra world no. 1 Poland sa pagpapatuloy ng 2025 FIVB Volleyball Men’s World Championship sa Araneta Coliseum.

Galing sa dikit na score na 25-23, 26-24, 26-24 laban sa Romania, pursigido ang Dutch squad na makapagtala ng upset sa Pool B.

Ayon kay opposite spiker Michiel Ahyi, kailangang manatiling buo ang kanilang samahan upang makapasok sa Round of 16.

Bitbit ng Netherlands ang malinis na 2-0 kartada at isa pang panalo ang magtitiyak ng kanilang puwesto sa susunod na yugto ng laro.

ADVERTISEMENT

Magtatapatan ang Dutch at Polish squads sa Miyerkules, Setyembre 17, sa Big Dome.