“The Chosen: Last Supper” Ipapalabas na sa Mga Sinehan sa Pilipinas Simula Abril 10

📅  |  ✏️ Updated
Photo from The Chosen Philippines/Facebook

Magandang balita para sa fans ng The Chosen!  

Ipalalabas na sa mga piling sinehan sa Pilipinas ang ispesyal na episode ng “The Chosen: Last Supper”. Bahagi ito ng nagpapatuloy na kwento ng sikat na series na naglalayong ipakita at isalaysay ang buhay at ministeryo ng Panginoong Hesus mula sa bibliya sa mas malalim at makatotohanang pamamaraan.

Itinatampok sa Last Supper ang emosyonal at makasaysayang tagpo ng Huling Hapunan ni Hesus kasama ang Kanyang mga alagad—isang mahalagang bahagi ng salaysay ng Kanyang ministeryo bago ang Kanyang pagkapako sa krus.

Ang seryeng The Chosen: Last Supper o ang Season 5 ay ipinalalabas ngayong taon sa tatlong bahagi: Part 1 (Episode 1-2) na may 117 minutong runtime sa Pilipinas, Part 2 (Episode 3-5), at Part 3 (Episode 6-8).

ADVERTISEMENT

Unang ipinalabas ang Part 1 sa United States at Canada noong Marso 28, habang sa Pilipinas at iba pang bahagi ng mundo, ito ay mapapanood mula Abril 10 hanggang 13 lamang — maaaring makabili ng tickets online sa thechosenlastsupper.com sa pamamagitan ng pagpili ng “International Tickets,” paghanap ng sinehan malapit sa inyong lugar, o sa pagbili ng tickets onsite sa mga piling sinehan.