“Tell-all”, ‘yan ang pahayag ng abogado ng mag-asawang Sarah at Curlee Discaya nang humarap ang mga ito sa pagdinig ng Independent Commission for Infrastructure nitong Martes.
Nakahanda na aniya ang mag-asawa na isiwalat lahat ng kanilang nalalaman.
Habang pumirma naman ng kasunduan ang ICI at Anti-Money Laundering Council bilang pagpapaigting ng imbestigasyon sa korapsyong nangyayari sa bansa.



