Are you ready to jump, Blinks?
Ito na talaga, OT4 is finally back dahil ipinasilip na ng K-pop powerhouse girl group na blackpink nitong Lunes ang teaser ng kanilang much-anticipated comeback music video na ‘Jump’.
Nakamamanghang cityscape ang mood ng 30-second teaser video na uploaded sa lahat ng kanilang social media accounts.
Isa-isa ring ibinida ang individual billboards ng apat na miyembro nito na sumasalamin sa kanilang naging matagumpay na solo careers.
Namangha naman ang fans nang makita sa dulo ng video sina Lisa Rose, Jisoo, at Jennie na todo-posing habang nakacamouflage sa kanilang dambuhalang billboard.
ADVERTISEMENT
Mapapanood na ang buong music video at mapakikinggan na ang kanilang comeback song na “Jump” sa July 11.
Una na nila ito pi-nerform sa kanilang 2-day sold out opening concerts sa goyang stadium sa South Korea nitong weekend.



