Team ‘Chares’ at ‘Rawi’, pasok na sa inaabangang Big 4 ng PBB celebrity collab edition

📅  |  ✏️ Updated

Nagpiyesta ang mga fans nang ihayag na sa nakaraang episode ng Pinoy Big Brother celebrity collab edition ang pagpasok sa big 4 ng ‘Cha-res’ duo na siba Charlie Fleming at Esnyr Ranollo.

Ang Chares ang unang nakakuha ng spot sa Big 4 matapos ang naganap na botohan ng house challengers at ng natitirang final 5 duos.

Bukod sa Chares, pasok na rin ang duos na ‘Rawi’ na sina Ralph De Leon at Will Ashley matapos nilang magwagi sa first big jump challenge.

Bago ang intense na botohan isa-isang na-hot seat ang limang duos sa pagharap nila sa house chalengers kung saan sinagot nila ang mga maiintriga at personal na tanong kabilang na ang question kung bakit dapat silang mapabilang sa Big 4.

ADVERTISEMENT

Magaganap ang big night ng PBB celebrity collab edition sa darating na July 5.