Ibinunyag ni Batangas Rep. Leandro Leviste na umano’y nakikipagkita ang ilang miyembro ng team ng DPWH sa ilalim ni Public Works chief Vince Dizon sa mga kontratistang sangkot sa mga kontrobersiyal na flood-control projects at humihingi ng kung anu-ano.
Ayon kay Leviste, isang executive-level official ng dpwh ang tumawag sa kanya para ipaliwanag ang usapin at nangakong iimbestigahan ito.
ADVERTISEMENT
Hinikayat ni Leviste si Dizon na suriin ang kanyang mga appointee at isiwalat kung sinu-sino ang mga nakipagpulong sa mga kontratista mula nang maitalaga siya sa posisyon.
Sa hiwalay naman na presscon, igiit ni Dizon na walang sinumang undersecretary ng DPWH ang may koneksiyon sa mga kontratista pero tiniyak niyang iimbestigahan niya mismo ang alegasyon.




