Nanumpa na sa puwesto ang mga miyembro ng Independent Commission for Infrastructure na siyang mag-iimbestiga sa mga iregularidad sa infra projects ng gobyerno.
Pangako ni Pang. Marcos, walang sisinuhin sa imbestigasyon.
Sa gitna naman ng mga kilos-protesta laban sa korapsyon, iginiit ng pangulo na karapatan ng taumbayan na ihayag ang kanilang galit.



