Pinatawan ng 30-day preventive suspension ng Land Transportation Office (LTO) ang tatlong driving school sa Tarlac dahil sa mga iregularidad sa pagtuturo sa mga driving student.
Ayon sa imbestigasyon, mistulang gumagawa umano ng shortcut ang isa sa mga driving school, tulad ng mas maikling oras ng pagtuturo at agarang pag-apruba ng natapos na Practical Driving Course (PDC) certificate kahit wala namang isinagawang o naganap na pag-aaral ang estudyante.
Ito ay labag sa LTO Memorandum Circular (MC) No. VDM-2023-2460 at inakusahan ng irregular use of accreditation sa ilalim ng Section 24(C)(11).
Ang dalawa pang driving school ay may pagkukulang naman sa kaukulang kaalaman sa pagtuturo ng simpleng mga batas trapiko, defensive driving, vehicle safety, emergency protocols, at iba pa sa kanilang mga estudyante.
ADVERTISEMENT
Pinagpapaliwanag ng LTO ang tatlong driving school sa pamamagitan ng written response. Pinasara naman ang kanilang Land Transportation Management System (LTMS), na ginagamit upang irehistro ang kanilang mga estudyante.
Maaari ring ma-extend ang 30-day preventive suspension kung hindi pa tapos ang imbestigasyon sa tatlong driving school. (Austin Gonzaga/News Light)



