Matapos ang diskwalipikasyon ng Duterte Youth party-list, tatlong party-list ang ipinroklama ng Commission on Elections (Comelec) bilang miyembro ng House of Representatives.
Ipinroklama bilang miyembro ng Kamara sa ika-20 Kongreso ang mga nominado ng Abono party-list, Ang Probinsyano party-list, at ang Murang Kuryente party-list.
Si Robert Raymund Estrella ang kinatawan ng Abono, si Alfred delos Santos para sa Ang Probinsyano, at si dating Agriculture Secretary Arthur Yap ang kinatawan ng Murang Kuryente.
Tuluyang diniskwalipika ng Comelec ang Duterte Youth noong Miyerkules dahil sa mga dahilan gaya ng hindi makatotohanang pahayag sa kanilang petisyon at pagsusulong ng paggamit ng karahasan o iligal na paraan upang makamit ang layunin.
ADVERTISEMENT
Noong kamakailan, ipinroklama rin ang Gabriela party-list bilang miyembro ng Kamara matapos mapagdesisyunan ng en banc na magdagdag ng isa pang seat upang maging 64 ang kabuuang bilang nito.



