Isa sa limang pamilyang Pilipino ang nakaranas ng involuntary hunger sa pagtatapos ng taong 2025, ayon sa survey ng Social Weather Stations (SWS).
Batay sa resulta ng November 24 to 30 survey na inilabas kahapon, 20.1 porsyento sa mga respondents ang nakaranas ng kahit isang beses na pagkagutom at kawalan ng makakain sa nagdaang tatlong buwan.
Pinakamataas ang hunger rate sa Mindanao, na may 26.7 porsyento. Sinundan ito ng Visayas at Metro Manila sa 20.3 porsyento, at ng nalalabing parte ng Luzon sa 16.7 porsyento.
Binubuo naman ang latest na hunger rate ng 15.6 porsyento respondents na nagsabing dumanas ang kanilang pamilya ng moderate hunger o ang isa o kaunting beses na pagkagutom.
ADVERTISEMENT
4.5 porsyento naman ang nakaranas ng severe hunger o palagiang pagkagutom sa nakalipas na tatlong buwan. (Denniel Salayo/News Light)



