SUV na may numerong ’10’ na protocol plate at blinker light, ipinapa-impound; Lisensya ng driver, pina-rerevoke ng LTO | News Light

📅  |  ✏️ Updated
👤 Newslight  |  📂 News Light, Latest News

Ipinagpapaliwanag si Transportation Undersecretary Ricky Alfonso matapos masangkot ang kanyang driver sa isang road rage incident at paggamit ng number “10” na plaka at blinker lights sa kanyang SUV kahapon, ika-13 ng Oktubre 2025.

Matapos suspendihin ng Department of Transportation (DOTr) ang lisensya ng driver, ipinapa-impound ng bagong Land Transportation Office (LTO) chief, Assistant Secretary Markus Lacanilao, ang SUV ni Undersecretary Ricky Alfonso at ipinaparevoke ang lisensya ng driver nito.

Ipinagpapaliwanag si Undersecretary Alfonso at binigyan lamang ng LTO ng palugit kahapon, ngunit ang driver lamang nito ang sumipot at wala ang may-ari ng SUV.

Pagpunta ng SUV sa LTO, tinanggal na ang plakang “10” at wala na rin ang blinker lights nito.

Ayon naman kay LTO chief Lacanilao, hindi nakikipagbiruan ang kanyang ahensya at ipinagpapaliwanag si Undersecretary Alfonso sa ginawa nito.

ADVERTISEMENT

Ang paggamit ng protocol plate number “10” ay para lamang sa mga presiding justice ng Court of Appeals pati ang solicitor general. (Austin Gonzaga/ News Light)