Ipinatawag ng Land Transportation Office (LTO) ang may-ari ng isang SUV na mahigit 300 beses na iligal na gumamit ng EDSA Busway simula 2022.
Ayon kay LTO chief Vigor Mendoza, naka-alarm na ang Mitsubishi Montero para hindi makagawa ng anumang transaksiyon habang iniimbestigahan.
Inutusan din ang registered owner na dumating sa LTO kasama ang driver para magpaliwanag kung bakit hindi sila dapat patawan ng parusa sa 307 na paglabag kabilang ang pagbale-wala sa traffic signs at obstruction.
Ayon sa MMDA, 14 sa mga violations ay naganap nang muling ipatupad ang no-contact apprehension policy (NCAP) nitong buwan.
Matatandaang suportado ni Pangulong Marcos Junior ang NCAP dahil nagpapalakas ito aniya ng traffic compliance at nalalabanan ang korapsyon.