Sustainable salt farming tool ng isang UP student, pinarangalan ng 20th James Dyson Award | News Light

📅

Isang University of the Philippines student ang kinilala para sa kanyang likhang salt farming tool na layong buhayin ang salt industry at tulungan ang mga komunidad sa mga baybayin ng bansa.

Ang SolAsin na nilikha ni John Carlo Luna Reyes ay isang accessible at sustainable flaky salt farming unit tool na makakagawa ng high-value flaky salt.

Ayon kay John Carlo, nakita niya ang oportunidad na gawing alternatibong pangkabuhayan ang salt farming sa gitna ng kahirapan sa mga coastal communities ng bansa.

Dahil ang solar salt farming ay nangangailangan ng malaking espasyo, ginawa ni John Carlo ang SolAsin, isang tray-like unit na hindi na kinakailangan ng landscaping at madaling i-set up at tanggalin.

Gumamit rin siya ng non-plastic material na epektibo para maging solar absorber na makakatulong sa produksyon ng asin.

ADVERTISEMENT

Dahil sa kanyang parangal, sunod na ipipresenta ni John Carlo ang kanyang imbensyong Sol-Asin sa international stage ng James Dyson Award.

Congratulations and we are rooting for you at sa SolAsin, John Carlo!