Kung para sa karamihan, tinatapon o sinusunog lamang ang mga tuyong dahon ng saging, para sa isang dating OFW at isang Pinay chemist, ito ay materyal na makapagbibigay pag-asa sa mga komunidad.
Matapos magkaroon ng ideya ang dating OFW na si Jimmy Sorabia na i-upcycle o gamitin ang tuyong dahon ng saging, nakipagtulungan siya sa Department of Science and Technology (DOST) at kay Julienne Fabie, isang associate professor sa Western Mindanao State University – Pagadian City (WMSU).
Sa kanilang pagtutulungan, nabuo ang UNVAS, o pinagsamang ‘UNAS’ na ang ibig sabihin ay dried banana leaves, at ‘CANVAS’.
Sa tulong ng Sagun Farmers Producers Cooperative, nagiging UNVAS sheets ang mga tuyong dahon ng saging at dadalhin ang kalahati sa mga persons deprived of liberty (DL) sa Pagadian City Jail Female Dormitory upang gawing beads.
Matapos nito, dadalhin sa mga kabataan ng WMSU Pagadian para sa coating at durability testing at ibibigay sa women’s group ng Liangan, Vincenzo Sagun para maging accessories.
ADVERTISEMENT
Tinuturo na rin ang paggawa nito sa iba pang PDL gaya sa Ramon Magsaysay District Jail.
Kinilala na rin ito sa mga exposition at nakatakdang ipresenta sa Casa Filipina sa Dubai.
Tunay ngang inspirasyon ang makabuluhang inobasyong ito na nakatutulong sa kalikasan at sa mga komunidad.



