Suspension ng road reblocking projects sa buong bansa, ipinag-utos ni DPWH chief Dizon

📅

Ipinag-utos ng Department of Public Works and Highways ang agarang suspensyon sa lahat ng road reblocking activities sa buong bansa dahil sa mga alegasyon ng korapsyon.

Ayon kay Dizon, mag i-isyu siya ng bagong department order hinggil dito.na layong maging mas maliwanag at transparent para masiguro na ang mga proyekto ay may tamang basehan.

Tinukoy ng kalihim ang mga proyekto sa Bocaue, Bulacan at Tuguegarao City na ginagawa umano tulad ng pagbubungkal kahit wala namang sira ang mga kalsada.