Suspension ng Ombudsman sa GSIS chief, tinanggal na | News Light

📅
👤 Newslight  |  📂 News Light, Latest News

Binawi na ng Office of the Ombudsman ang ipinataw nitong preventive suspension kay Government Service Insurance System (GSIS) President Jose Arnulfo “Wick” Veloso dahil sa kwestiyonableng P1.4 billion transaction nito sa Alternergy Holdings Corp.

Matatandaang pinatawan ng Ombudsman ng 6 na buwang preventive suspension si Veloso kasama ang 6 na iba pa na sina Michael Praxedes, Jason Teng, Aaron Samuel Chan, Mary Abigail Cruz-Francisco, Jaime Leon Warren, at Alfredo Pablo noong July 11.

Base sa order ng Ombudsman noong Sept. 18, walang sapat na basehan na makakaapekto sa imbestigasyon ng kanilang kaso ang pananatili ng mga opisyal sa opisina.

Bukod pa dito, wala na rin umanong koneksyon si Praxedes at Chan sa ahensya.

Malugod umanong tinatanggap ni Veloso ang order at pursigido siyang ituloy ang pagtatrabaho ng tapat sa pagprotekta at pagpapalago ng GSIS fund para sa kapakanan ng lahat ng government workers.

ADVERTISEMENT

Nauna nang nabanggit na ng The Ombudsman na sumuway ang 1.4 bilyong transaksyon sa 2022 GSIS Investment Policy Guidelines.

Maaalalang noon namang November 2023, nag-subscribe ang GSIS sa 100 million na preferred shares ng Alternergy na walang endorsement sa mga importanteng komite at approval ng Board of Trustees; hindi rin nakalista sa Philippine Stock Exchange ang ibinayad sa subscription. (Denniel Salayo/ News Light)