Suspek sa pagpaslang kay Charlie Kirk, humarap sa Korte

📅

Humarap sa hukuman via video feed ang bente dos anyos na suspek na si Tyler Robinson na ina-akusahang pumaslang sa Conservative Activist sa U.S. na si Charlie Kirk.

Nagmukhang walang emosyon si Robinson habang binabasa ng hukom ang mga sakdal at ipinaliwanag na maaaring humantong sa bitay ang kanyang kaso.

Inaakusahan si Robinson na bumaril kay Kirk noong nakaraang Miyerkules mula sa isang Rooftop Sniper’s Nest sa Utah Valley University.

Magkakaroon naman ng sunod na pagdinig sa September 29.