Suspek sa 1989 Child Abuse Case sa Florida, arestado sa Cavite

📅 April 24, 2025 09:54 AM PHT  |  ✏️ Updated June 3, 2025 12:49 PM PHT
👤 Maricon Rodriguez  |  📂 Cavite
Contributed Photo

Naaresto ng Bureau of Immigration Fugitive Search Unit at US Homeland Security kahapon ika-23 ng Abril, ang isang US national na suspek sa panghahalay sa isang pitong taong gulang na batang babae sa Florida, USA noon pang 1989.


Kinilala ang suspek na si Young Tom Talmadge, 69-anyos.


Inaresto ito sa kanyang tahanan sa GMA, Cavite, sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Circuit Court, Hillsborough County.


Ayon sa mga imbestigador, tumugma ang DNA ni Talmadge sa preserved DNA ng biktima, gamit ang genealogy DNA analysis.


Nakuhanan ng sample ang suspek sa tasang ginamit nito sa isang coffee shop, ilang buwan na ang nakalipas.


Samantala, pinoproseso na ng awtoridad ang karagdagang dokumento para sa kaso nito.